filipino,

Literary: Shoot to Kill

9/29/2017 08:33:00 PM Media Center 0 Comments






Nakasuot ako ng damit na itim,
Nagtatago sa dilim,
At sinusundan ng tingin
Ang isang lalaking agaw-pansin

Patagong sinusundan
Tahimik na minamatiyagan
Ang lalaking may angking kakisigan
At may taglay pang ka-gwapuhan

Araw-araw sinusundan
Gabi-gabing sinusulyapan
Ako’y buwis-buhay na nagtatago sa damuhan
Makuhaan lang ng siya magandang larawan

Dapat tama ang tiyempo
Dapat sakto ang anggulo
Dapat ang larawang makukuha ko,
Papasa sa mata ng mga hurado

Kinabukasan dinala ‘to sa presinto,
Agad sinuri ang aking mga litrato
At dito nga nakumpirma
Na isa pala siyang mandirigma

You Might Also Like

0 comments: