filipino,

Literary: Paano Kung

9/08/2017 07:44:00 PM Media Center 0 Comments




Dumating ka na ba sa puntong,
Kailangang mamili sa dalawa?
Gigising ka ba,
O matutulog pa?
Aabsent ka,
O papasok sa eskwela?
Aaminin mo ba sa kanya,
O hindi na, dahil torpe ka?

Suko na,
O tuloy pa?
Mahal mo pa,
O ayaw na?
Ngunit sa kabila ng pagpipilian
‘Di alam ano‘ng kahihinatnan
Kahit iyong isaalang-alang
Nakaraan,
Kasalukuyan,
O hinaharap man,
Sa kabila nito
Lahat tayo
Sigurado
Babalik at babalik pa rin
Sa araw at oras na iyon
At tatanungin,
Paano kung iba ang pinili ko?

You Might Also Like

0 comments: