filipino,

Literary: Bente Pesos

9/08/2017 08:28:00 PM Media Center 0 Comments




Tumawag ka sa akin,
Gusto mo na akong harapin.
Matapos ang ilang araw na walang usapan
Sa wakas, naisipan mo akong tawagan.

Pinapunta mo ako sa ating tagpuan
Para mapag-usapan
Kung ano na’ng kinahinatnan
Ng relasyon nating magkasintahan.

Nagdalawang-isip ako
Kung ako pa ba’y makikipagtagpo.
Binuksan ko ang aking pitaka
At sinilip kung ako'y may pera pa.

Tanging bente pesos ang bumungad sa akin
Kulang pa itong pamasahe para ika'y tagpuin.
Senyales na siguro ito
Na huwag na muna tayong magtagpo.

Sa tayaan ng lotto
Na lang ako tutungo.
Doon ko na lang gagastusin
Ang bente pesos na ibinigay ni nanay sa’kin.

Baka sakaling ako'y manalo
Ng malaking papremyo.
Para makapunta na sa iyo
Mahal ko.

You Might Also Like

0 comments: