filipino,

Literary: Dr. Quack Quack

11/21/2016 08:35:00 PM Media Center 0 Comments





Bubuo ng isang bilog
Magkakapit-kapit
Bubuhulin, paiikutin
Mananatiling magkakabit

Kahit magulo, mahirap ibalik
Ang nakaraang ngayo’y hiwalay
Wala ang lahat ng ito
Basta’t hawak ang ‘yong kamay

Sa kabila ng pagkapulupot
Sa kabila ng pag-aalinlangan
Mananatili sa gitna ng gulo
Hangga’t ika’y nandiyan

At kahit laro lang ang lahat ng ito
Kahit sa huli’y magbibitiw din
Payapa ang aking kaloobang
Bilanggo sa iyong tingin

You Might Also Like

0 comments: