faber castell 0.7,

Literary: Kailan?

1/15/2016 09:50:00 PM Media Center 0 Comments



Sa tuwing napapaisip akong manood ng sine,
Gustong-gusto kong ikaw na sana ang makatabi!
Yung tipong kikiligin ako kahit ang palabas ay comedy,
At matatawa na lang ako sa aking galawang mala-breezy.

Kay tagal ko nang hinihintay,
Na bilhan ka ng popcorn at kainin natin ito ng sabay,
At kapag katabi ka na'y pasimpleng aakbay,
Kung bigla ka man antukin ay nakahanda ang balikat ko para umalalay.

O kailan na nga ba,
Kita malilibre ng palabas sa sine?
Kahit ano pa ‘yan basta ikaw ang kasama,
Siguradong-sigurado na ako'y sasaya ng sobra!

Paparating na kaya?
Yung pagkakataong kapag nagulat ka o nabigla,
Mapapayakap ka na lang sa’kin nang basta-basta,
Siyempre ako nama’y patay-malisya muna... kahit sa loob loob ay kilig na kilig na.

Patuloy kong inaabangan,
Na hindi matatapos ang lahat sa paglabas ng sinehan,
Patuloy tayong magkukulitan at magkukuwentuhan,
Ni hindi natin mapapansin ang oras sa sobrang katuwaan.

Kailan, kailan?
Ang mga likhang-isip na ito'y maisasakatuparan.
Maghihintay, Maghihintay.
Pagkat hinding-hindi magsasawang oras ko'y sa’yo ialay.

You Might Also Like

0 comments: