collaboration,

Literary: Kahit Kailan

10/16/2015 08:31:00 PM Media Center 0 Comments



Noon
Naaalala ko pa noong tayo'y mga bata pa
Ang ating unang pagkikita at unang pagsasama
Mga panahon na tayo'y naglalaro at nagkukulitan
Lahat ng ito ay tumatak sa aking isipan

Naalala ko pa noong tayo'y unang nagkita
Ako'y kinakabahan tuwing ika'y bumibisita,
Ngunit noong tayo'y naglalaro at nagsasaya,
Ito ang panahong nanatili sa aking alaala

Ngayon
Lumipas ang mga panahon na tayo'y magkasama
'Di nagtagal ikaw ay akin na ring nagustuhan
Ngunit ano itong aking nararamdaman?
Kung ako'y magtatapat, baka ako'y masaktan lamang

Di ko sa’yo masabi yung tuwa na nadarama ko
Tuwing tayo'y nag-uusap tungkol sa kahit ano sa mundo
Basta't tayo'y magkasama ang importante lang sa’kin
Ngunit alam ko kailangan ko din sabihin ang totoo kong damdamin.

Bukas
Sa isip ko,wala akong pag-asa sa babaeng tulad mo,
Ngunit ewan ko kung ano yung naramdaman ko,
Dahil noong gabing iyon lumapit na lang ako sa’yo
At tinanong tungkol sa pag-ibig kong 'to

Hindi nagtagal sumagot ako ng matamis kong oo
Ikaw at ako ay hanggang sa dulo
Sumumpa sa harap ng maraming tao
Sadyang aking pagmamahal sa’yo ay totoo

You Might Also Like

0 comments: