collaboration,

Literary: Bittersweet

10/16/2015 08:43:00 PM Media Center 0 Comments



Nagmahal
Nararapat ba ako sa’yo?
Nararapat din ba ang aking nararamdaman?
Ngunit kahit naguguluhan, aasa at aasa pa rin sa "tayo".
Basta itong aking nararamdaman ay aking ipaglalaban.

Nagmamahal
Ako ay nangangamba dahil sa pag-ibig,
Pag-ibig na sa dulo alam kong ako'y masasaktan.
Sapagkat ang puso mo'y pinapatibok ng iba
Ngunit, nais ko pa ring ipaglaban itong aking nararamdaman.

Pinaasa
Bakit mo ako iniwan? Bakit ba ako umasa?!
Ipinaramdam mong minahal mo ako,
Ngunit iiwan mo lang ako, isa kang paasa!
Pinalitan mo na lang ako nang bigla-biglaan,
Pero paano na ang iyong mga pangako?!

Nagpaasa
Nagparamdam sa'yo ng isang huwad na pag-ibig.
Gumuho ang iyong munting daigdig,
Kahit na ang aking tunay damdamin ay hindi mo napapansin.
Noong ikaw ay iniwan, 
Ang aking puso ay nasaktan rin naman.


Bitter
Malaking bakas ng sakit ang iniwan,
Sa taong akala ko'y bubuo sa aking pangarap
Ngunit iniwan niya lamang sa pusong kanyang ginamit at sinugatan.
Isang aral para sa akin, na tumigil at huwag nang muli pang umasa

Sweet
Ikaw ay iniwang luhaan, ang iyong puso’y sugatan.
Ako sana ay iyong bigyan ng pagkakataon para ipakita ang tunay na nararamdaman.
Hinding hindi, kahit minsan, ikaw ay aking iiwanan.
Narito ako, handang maghintay, magpakailanman.


Masakit at mahirap kalimutan,
Di man tuluyang nakakabangon,
Unti-unting aking susubukan,
Upang muling umibig at umahon.

Nanggaling ka sa masalimuot na nakaraan.
Malambot mong puso ay nasaktan,
Dahil sa isang pag-ibig na nagwakas nang biglaan.
Ikaw ay takot na muling umibig nang magpakailanman.

Ang umibig kung minsa’y sadyang kay pait
Kapag iniwan ang pusong pira-piraso.
Tila isa rin itong tsokolateng dating kaypait na nagiging katamis kung pinuno ng pagmamahal
Kung ang pagsinta ay handang maghintay at magtiis

You Might Also Like

0 comments: