collaboration,

Literary: Barkada Stereotypes

10/16/2015 08:01:00 PM Media Center 0 Comments



The Joker
Masaya ang usapan kapag siya ay kasama
Ang nagpapaligaya sa’yo kapag BV ka
Kahit siya ay palaging masaya
Sa kaloob-looba’y may dinaramdam siya

The Rich kid
Siya ang bangko ng barkada
Maalala mo siya dahil sa mga utang mo sa kanya
Nilibre kayo noong kaarawan niya
Dahil marami siyang pera

The Palibre kid
Laging ipapaalala sa’yo
Na pinahiram ka ng lapis noong grade 2
Lahat ng tao sa barkada bubulungan, 
“Libre mo naman ako.”

The Plano kid
Yung tipong di nauubusan
Ng lugar na mapupuntahan
Yung tipong nalibot niyo na ang buong kamaynilaan
Aabot pa kayo sa kawalan

The Di-pinayagan kid
Masaya noong lahat na plano na
Excited na excited pa siya
Pag dating sa pupuntahan
“Sorry di ako pinayagan, di ako makapupunta”

The Emo kid
Gusto niyang laging mapag-isa
Doon daw siya masaya
Kapag tinanong kung okay ba siya
Ngingiti pa rin kahit di na kaya

You Might Also Like

0 comments: