filipino,

Literary: Sulyap sa Hinaharap

8/27/2015 09:00:00 PM Media Center 0 Comments



Aking binalikan ang ating nakaraan
Napagtanto kong ikaw at ako’y hanggang dulo.

Magmula pa noon, ikaw na ang pangarap,
Ang matagal ko nang hinahanap-hanap.

Sa aking pagsulyap, mga mata mong kumikislap
Ang nakita ko noon sa’king hinaharap.

Ikaw na nga ba ang magbibigay ng kulay sa’king buhay?
Ang magpapatunay na may pagmamahal habambuhay?

Makakasama mo ako sa hirap at ginhawa,
Gagawin ko ang lahat para ika’y mapasaya.

Hindi ko kilala ang salitang “pagsuko”
At handa akong ibigay ang buo kong puso.

Kahit na ang buhok nati’y pumuti,
Magkakasama pa rin tayong palagi.

Kahit mga ngipin mo’y hindi na kumpleto,
Sa puso ko, ikaw pa rin ay perpekto.

Kapiling mo ako hanggang sa huling paghinga.
Ito ang pakatatandaan, ikaw lang at wala nang iba.

Dumating man ang panahong masulyapang muli ang nakaraan,
Ikaw pa rin ang pilit na hahanapin upang makasama magpakailanman.

You Might Also Like

0 comments: