barcode,

Literary: Magkaibigan

7/09/2015 07:58:00 PM Media Center 1 Comments



Nagsimula ang lahat nang kami’y magkatabi,
At nang masilayan ko ang ngiti sa kanyang labi.
Tinanong ko ang kanyang pangalan,
Sumunod ang pakikipagkamayan.

Kami’y naging magkaibigan,
Nagkukulita’t nagtatawanan.
Subalit di ko inaasahan,
Tumibok ang puso kong ito na puno ng kasiyahan.

Di ko malaman ang aking gagawin,
Di ko malaman kung ako’y aamin.
Matagal kong pinag-isipan,
Naglakas ako ng loob at siya’y tinawagan.

Sinimulan kong bigkasin,
Ang sigaw niring damdamin
“Gusto rin kita.” sabi niya, sabay tahimik.
Ako’y nagulat at nawalan din ng imik.

Aming mundo’y pinagtagpo
Ng tadhanang mapagbiro.
Nagsimula sa pagkakaibigan,
Na nauwi sa pag-ibig na sana’y walang hanggan.

You Might Also Like

1 comment: