dimples,

Literary: Handa Ka Ba?

7/09/2015 08:06:00 PM Media Center 0 Comments



Handa mo bang itaya
Ang sarili para sa kanya?
Sa kanyang ang mahal daw ay ikaw?
Isa itong malaking sugal.

Handa mo bang harapin
Ang bukas para sa kanya?
Sa kanyang ikaw lang daw ang nakikita’t natatanaw?
Isa itong pakikipagsapalaran.

Handa mo bang sabihin sa kanya
Na di mo mapaniwalaan ang nararamdaman niya?
Na baka hindi ikaw ang natatanaw, nakikita’t mahal niya?
Isa itong pagdududa.

Kaya dumating ang oras,
Sinabi mong maghintay siya.
Hanggang ang pagdududa’y lumipas,
Ang sumugal at makipagsapalara’y matapang nang mahaharap.

Lumipas ang mga araw at buwan,
Kung kailan sa wakas,
Napag-isip-isip mong handa ka na,
Tatanggapin mo na ang pagmamahal na alay niya.

Sasagot ka nang “mahal kita.”
Subalit nakita mo siyang masaya’t nasa malayo na,
Ngayong handa ka na buhay naman niya’y natapos na.
Handa ka pa rin ba?

You Might Also Like

0 comments: