admissions,

Mahigit 500 estudyante, kumuha ng Grade 7 Admissions Test

3/17/2015 07:41:00 PM Media Center 0 Comments

Limang daan at pitumput dalawang (572) mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan ang kumuha ng UPIS Grade 7 Admissions Test noong Marso 7, 2015.

Kasama nilang kumuha ng GAT ang 95 pang homegrown ng UPIS. Mula sa 572 na estudyanteng hindi nag-elementarya sa UPIS, 15 lamang ang makakapasok bilang lateral sa susunod na pang-akademikong taon 2015-2016. Hindi pa kasama rito ang 10 varsity players na kukunin ng paaralan para sa nabanggit na akademikong taon.

Samantala, ang Kindergarten Admissions Test (KAT) ay gaganapin sa darating na Abril 6-10, 13-15. / ni Raine Abaya

You Might Also Like

0 comments: