filipino,

Literary: Kahapon x Bukas

3/25/2015 08:26:00 PM Media Center 0 Comments


Perpekto
Lahat ay naaayon sa aking plano
Klaro
Walang makikihalo, mukhang magtatagal, walang halong biro

Sino ka ba?
Mga kilos mo’y kaduda-duda
Ang labo
‘Di ko lubos maisip kung anong pakay mo

Bes
‘Yan ang tawagan nating dalawa
Pero minsan ‘pag sinasaltik, tinatawag kitang “love”
‘Pag ika’y kakausapin, ang lakas mong mang-isnab!
Kaya minsa’y tinanong ang sarili, itutuloy ko pa ba?

Close pala tayo noon?
Parang ‘di naman, sa text lang ‘yon
Ayokong umasa ka
Kahit masaya ako ‘pag kausap kita

Pero aminado ako
Pawang laro-laro lamang ang lahat ng ito
Pansamantalang kasiyahan, ‘di alam kung saan patungo
Basta bahala na, susunod na lang ako sa agos

Unti-unting nahulog ang loob ko
Sa larong ito, ako ata ang talo
Mabilis man ang takbo ng oras
Umaasa akong ito’y wala nang wakas.

You Might Also Like

0 comments: