abril mayo,

Literary: Damdamin x Isip

3/17/2015 08:23:00 PM Media Center 0 Comments



Damdamin
Wonderful

Alam mo ba
Na kapag nakikita kita
Abot langit ang saya
Pag-ibig na ba ito o paghanga?

Nauutal man ay aaminin na
Ang mga salitang puno ng damdamin
Kung ito ay pambobola lamang
Bakit pa maglalakas-loob na ito’y sabihin?

Maganda ka at matalino
Kaya sino ba naman ako para sa’yo?
Marahil hindi ka sa’kin naniniwala
‘Di naman ako katulad ng iba.

Bakit pa ko hihinto,
Kung nasimulan na ito?
Sa lahat ng tao sa mundo
Ikaw at ako ang pinagtagpo.

Alam kong hindi madaling magtiwala
Dahil ‘di mo ako lubusang kilala
Kung sa tingin mo ito’y pansamantala
Nagkakamali ka pagkat ipaglalaban kita.

Ngunit minsan ‘di kita maintindihan
Parag wala ka namang pakialam sa aking ginawa
‘Di mo baa lam na ako’y nasasaktan,
Sa tuwing ako’y iyong binabalewala.

Maraming araw ang lumipas
Ngunit bawat araw na kasama ka’y parang walang wakas
Lagi kong pilit na ipinapakita
Na ikaw at ikaw lang talaga.

Sa simula pa lang ay walang pag-aalinlangan
Walang pinagsisiihan, buo ang kalooban
Gustong-gusto kita, sinta
Kaya ako ay mahalin mo rin, sinta.


Isip
Abril Mayo

Sa totoo lang
Hindi ko alam kung anong dapat sabihin
Sapagkat ang mga salita ay salita lang
Kung tahasang babanggitin.

Ngunit dahil ito na lang ang paraan
Ay sasabihin na rin
Ang lahat ng nararamdaman
At lahat ng gustong sabihin.

Totoo nga, ako ay nagduda,
Hindi ko maalis ang kaba
Na baka wala kang ipinagkaiba
At kagaya rin ng iba

Pero hindi ka huminto
Patuloy kang nanunuyo
Parang walang kapagod-pagod
Hindi ka sumusuko.

Hindi naman ako agad na nagpadala,
Inasahan kong baka bukas makalawa
Ay bigla ka na lang magsawa
O kaya’y mawalan ng pag-asa.

Hindi dahil iyon ang tingin ko sa’yo
Ngunit iyon lang ang pamamaraan ko
Upang itago ang munting nararamdaman
At kung mawala ka’y hindi ako lubusang masaktan.

Maraming araw na ang lumipas
Ngunit ni isang araw ay wala kang pinalampas
Iyong pinatunayan kung sino ka talaga
Pinatunayan mo rin ang aking halaga.

Kaya naman kung noong una ako ay nag-aalangan
Ngayon ay buo na ang kalooban
Ikaw nga ay gustona rin
At ako ay handa ka nang mahalin.

You Might Also Like

0 comments: