bubbles,

Literary: Baka Sakali x Wala Na

3/17/2015 08:34:00 PM Media Center 0 Comments



Baka Sakali
Bubbles

Mahal kita, mahal na mahal
‘Tila ba ayaw ko nang bumitaw pa
Ang kasunduan nati’y maaari bang mabalewala na
At ika’y makasama hanggang sa dulo pa

Nalalaman mo ba?
Hahanap-hanapin ko ang iyong yakap at akbay
Ayokong matapos ang segundo, minuto at araw
Pagkat sa dulo tayo’y mag-hihiwalay

Hanggang dito na lang ba?
Sigurado ka na?
Kahit sa puso mong nanlalamg na
Ako’y patuloy na kakapit pa


Wala Na
Jollibee

Mahal kita, mahal mo ako
Mamahalin ang isa’t isa
Hangga’t nagkakasama tayo
Ito ang kasunduang matatapos na sa dulo

Nalalaman ko,
Nasanay ka na sa mga akbay at yakap ko
Wag mag-alala, araw, minuto at segundo
Ang hinihintay bago tayong dalawa’y tuluyang maghiwalay

Ako at ikaw, ‘di dapat magdamdam
Minahal kita, minahal mo ‘ko
Pero aminin nating tayo’y nagkasundo
Kung tayo, ay tayo muling magkikita sa dulo

You Might Also Like

0 comments: