filipino,

Health and PE week, ipinagdiwang

3/02/2015 07:14:00 PM Media Center 0 Comments

Idinaos ng UPIS Health and P.E. Department ang kanilang taunang Health and P.E. week noong Pebrero 10-13.

Pormal na sinimulan ang Health and P.E. week sa pamamagitan ng isang joint flag ceremony ng UPIS 3-6 at 7-10 kung saan kinilala ang bawat varsity team ng UPIS. Binigyan din sila ng pagkakataon upang makapaghikayat ng mga bagong miyembro.

Sa hapon ng parehong araw, isang Zumba Session na ginanap sa Basketball Court ang dinaluhan ng mga Varsity members at ibang mga estudyante. Ito ang nagsilbing fundraising activity ng departamento upang tulungan ang dating guro na si Prof. Zalamea.

Noong ika-11 naman ng Pebrero ay nagkaroon ng Nutrition Talk para sa mga guro at staff na pinangunahan ng nutritionist at dietititan na si Prof. Manalo.

Isinagawa naman noong ika-13 ng Pebrero ang Varsity Night, na siyang nagsilbing pagtatapos sa buong linggong pagdiriwang. Ito ay dinaluhan ng mga Varsity Members at ng kanilang mga Coach. Ang gabing ito ay kinatampukan ng talumpati ng mga panauhing tagapagsalita, sina Diego Dario, dating miyembro ng UPIS Junior Maroons, at Jaime Mejia, dating Team Captain ng UPIS Junior Track and Field Team. Nagbigay din ng maikling talumpati ang mga Coach at ipinakita ang Audio-Visual Presentation ng bawat team. / Raine Abaya

You Might Also Like

0 comments: