aemel de leon,

Botchog lumusot sa sahig, natalo sa pustahan

3/06/2015 08:25:00 PM Media Center 0 Comments

Nagulantang ang buong UPIS noong nakaraang Martes, ika-tatlo ng Marso nang biglang marinig ang makabasag-tengang sigaw ni Sir Dipol.

Napag-alamang kaya pala napasigaw si Sir Dipol ay dahil mayroon siyang natagpuang estudyanteng nakabulagta sa sahig. Puro semento at alikabok ang buong katawan ng walang malay na estudyante. Ang mag-aaral, isang lalaking may kalakihan ang pangangatawan, ay kinilala ng kanyang mga kaibigan bilang si Yuribel Bells.

Ayon sa pagsisiyasat, si Bells ay lumusot sa sahig ng ikatlong palapag at bumagsak sa library. Nakipagpustahan raw siya sa kanyang mga kaibigan na kaya niyang abutin ang ceiling fan. Sa kanyang pagtalon ay tuluyan siyang lumusot sa nasisira nang sahig ng Room 137 at ang ipinangakong bente pesos ng mga kapustahan ay hindi na niya nakuha.

Sinugod sa infirmary si Bells ng kanyang mga guro at kasalukuya’y nasa mabuti namang kalagayan na. / ni Aemel de Leon

You Might Also Like

0 comments: