fildrama,

Alimuong, pagbibidahan ng FD 2015

3/25/2015 07:32:00 PM Media Center 0 Comments

Nilalayon ng Filipino Drama (FD) 2015 na masagot ang katanungang iyan sa kanilang taunang produksyon na “Alimuong,” bukas Marso 26 sa ganap na alas-diyes ng umaga sa UPIS Auditorium.

Ang “Alimuong”, na nasa direksyon nina Noelle Lumbre at Jesica Caneca, ay tungkol sa isang pamilya na maraming pinagdaanang pagsubok sa buhay. Bawat isa sa kanila ay may iba’t-ibang personalidad na magiging dahilan ng away, gulo, at susubok sa kanilang pagiging matatag.

“Pinaghirapan ng FD ang produksyong ito dahil ipinapakita nila ang kanilang talento sa pag-arte. Gusto nilang ibahagi ang kakaibang mensahe ng kuwento,” ayon kay Lumbre.

Inaanyayahan nila ang lahat na manood ng dulang itinuturing nilang magiging “legacy” ng FD 2015 sa UPIS. Mabibili ang tiket sa halagang 50 Php na makukuha sa kahit na sinong miyembro ng FD.
/ni Julou Tirol

You Might Also Like

0 comments: