24601,

Literary (Submission): Torpedo

2/11/2015 08:57:00 PM Media Center 0 Comments


Sa ilang sandali,
Ika’y makikita ko nang muli.
Paano ko nga ba dadayain,
Pano itatago ang nais sabihin?

Kay hirap magtago ng damdamin
Ngunit kung sabihi’y ‘di rin mapilit.
Paano na nga ba ito?
Gusto nang itigil ang pagtatago sa iyo.

Sa mga panahong ika’y nais makausap,
Ako’y nahihirapan na ika’y mahagilap.
Sobrang hirap din pala,
Kapag sa buhay ko’y ika’y nawawala.

Nais ko lamang iparating,
Ang kalagayan ng aking puso.
Nahihirapan, natatakot, naninibago,
Saan na ba ang tungo ko nito?

Mahal kita, oo!
Ngunit ako’y litong-lito.
Ano na lang ba ako sa iyo?
Nais kong malaman, ano nga ba ito?


You Might Also Like

0 comments: