filipino,

Literary (Submission): Panaginip

2/04/2015 08:14:00 PM Media Center 0 Comments


Nakita mo siyang may kasamang iba, masaya silang magkasama, nagtatawanan at kung ano-ano pa.

Nagselos ka dahil kayo pa noon ngunit meron na siyang nahanap na iba. Mali man gawin ay nilapitan kita upang i-comfort at tanungin kung bakit ka malungkot. Bigla kang umiyak at niyakap ako. ‘Di ko alam kung anong gagawin ko sa mga panahong iyon. Pagtapos nun ay naging okay ka na at nagpasama ka pa sa akin maglibot sa kung saan-saan. Clingy ka nun pero ayos lang sa’kin yun.

Hinawakan mo ang kamay ko habang tayo’y nakaupo. Sa bandang huli ay nakahiga tayo sa ilalim ng langit na puno ng mga bituin. Nagkatinginan tayo at bigla kang unti-unting lumapit sa’kin at bigla akong hinalikan sa pisngi. At dun na ako biglang nagising.

You Might Also Like

0 comments: