filipino,

Literary (Submission): Kupido

2/11/2015 09:10:00 PM Media Center 0 Comments


Halos ilang buwan na rin ang nakalilipas
nang huli akong sumulat dito

Jusko!  Naku po!
‘Pagkat isang tao lang naman ang gusto kong makabasa niyon. 


Alam kong kilala niya na ako 

Mala Marian Rivera sa ganda 
Miriam Defensor- Santiago sa talino
At angel locsin naman ang size ng katawan ko.


Halatang-halata na ata siguro ako

Dahil tuwing dumadaan siya
O kaya’y tinatawag sa malayo 
Kilig na kilig akong tila si basha.


Ilang buwan ko na siyang di nakikita 

Dahil tuwing nag susub siya para magturo
Umeepal si universe kasama ang isang sumpa 
At ako’y nagkakasakit nang bigla-bigla.


Di pa rin nagbabago ang heart rate ko

Mas lalo pa nga atang bumibilis ang pagtibok nitong puso ko 
Kahit na mas madalang ko na siyang makita 
Okay lang sulit-sulit naman parang fita pag nakita na siya.


Kaya nga ngayong Valentines

Gusto ko lang makibalita
Sa nag-iisa kong kupido 
Hi Sir!! Kumusta po ba?



You Might Also Like

0 comments: