bolpen,

Literary (Submission): Bolpen

2/04/2015 08:09:00 PM Media Center 0 Comments


Ang sulating ito’y
Para sa mga humiram
Ng aking mga ballpen
Na matagal kong iningatan.

Sa humiram ng aking g-tec,
Bakit mo binagsak?
Sabi mo iingatan mo,
Bakit ngayon ay wasak?

Sa humiram ng aking signpen
Bakit wala kang tinira?
Sabi mo nga ibabalik mo, pero
Ni isang patak ng tinta, wala.

Sa humiram ng aking friction pen
Bakit mo winala?
Sabi mo magtiwala sa’yo,
Paano pa? E wala na nga?

Siguro nga ako’y inutil lamang
Para panulat ko’y ipagkatiwala
Nang paulit-ulit at umaasang
Kahit panulat man lang ay mapag-ingatan.

You Might Also Like

0 comments: