duquela,

Literary: Katipunan

2/11/2015 08:35:00 PM Media Center 0 Comments


Darating ang panahon
Na makikilala din kita
Pero sa ngayon
Hanggang pangarap lang muna

Darating ang panahon
Na magkatabi nating papanoorin ang buwan at mga bituin
Pero sa ngayon
Sa magkaibang lugar muna natin sila panoorin.

Darating ang panahon
Na makakausap kita hanggang hatinggabi
Pero sa ngayon
Aantayin ko ang una nating palitan ng pagbati

Darating ang panahon
Na ako naman ang iyong iisipin
Kakalimutan natin ang malungkot na kahapon
At ang kinabukasan ay sabay haharapin

At kapag dumating ang panahon
Na ako na ang iyong mamahalin
Lagi mong tatandaan
Na ika’y mahal ko rin.



You Might Also Like

0 comments: