altostratus,

Literary: Hiling

2/11/2015 07:54:00 PM Media Center 0 Comments


Bakit parang ang mga panahong nagdaan
Ay naglalahong parang bula?
Bakit parang ang sampung taon
Ay hindi sapat para sa’ting dalawa?

Nakatitig ako sa harap ng salamin, nagtataka,
Bakit sa haba ng panahon, wala akong ginawa?
Nakuntentong sa malayo ay pagmasdan ka,
At umaasang magtatagpo ang ating mga mata.

Napakarami kong sinayang na sandali,
Mga panahong aking nagamit sa mali,
Mga oras na hindi na muling mababalikm
Kahit pa siyam na buhay ang kapalit.

Ngayon, heto ako’t nakatulala,
Pilit na pinipigilan ang aking luha.
Sa iyong paglisan, humihiling na sana,
Kahit minsan man lang, ako’y iyong maalala. 

You Might Also Like

0 comments: