abril mayo,

Literary: Abracadabra

2/18/2015 08:34:00 PM Media Center 0 Comments



Magic, magic
Nakakabilib
Abrakadabra
Nakakamangha

Di ako naniniwala
Sa umpisa
Di ako naniniwala
Hanggang sa…

Isang araw, ang ating mga mata
Ay nagtagpo at nagtama
Biglang bumilis ang tibok ng puso
Magic na ba ito?

“Gusto kita”,
Ang iyong sinabi
Mundo ko’y tumigil ng sandali
At namutawi ang ngiti sa mga labi,

Ngunit bigla ka na lang nawala
Napagod at sumuko ka na yata
Wala nang kahulugan ang mga sinabi mo
Walang katuturan at hindi pala totoo.

Sa magic, ngayo’y naniwala na
Ikaw ang patunay at pruweba
Ala una, alas dos, alas tres,
Naglaho ka nang napakabilis!

Magic, magic
Ilusyon lang pala
Abrakadabra
Wala rin akong napala.


You Might Also Like

0 comments: