donna roces,

Pagtatalaga sa Senior Girl Scouts, muling isinagawa

10/15/2013 07:52:00 PM Media Center 0 Comments

Ang taunang pagtatalaga ng mga bagong Senior Girl Scouts ay ginanap noong Setyembre 27, 2013 ika-5 ng hapon sa Multipurpose Hall.

Nagsimula ang programa sa pambungad na salita ni Dr. Ronaldo M. San Jose. Kung saan nabanggit niya ang tumataas na dami ng mga mag-aaral na sumasali sa scouting.

Isa-isang sinindihan ng mga troop at patrol leader ang mga kandila na sumisimbolo sa mga pangako at batas ng Girl Scouts.

Matapos sindihan ang mga kandila, itinalaga ang mga bagong kasapi ng Senior Scouts. Tinatayang 75 Senior Scouts at 33 Cadets ang itinalaga sa taong ito.

Tinapos ang pagtitipon sa pangwakas na pananalita ni Dr. Rene Rollon, ang Chair Person ng UPIS Institutional Scouting Committee. / ni Donna Roces

You Might Also Like

0 comments: