14 na tambayan,

Feature: 14 na Tambayan: Weights Room

10/15/2013 08:32:00 PM Media Center 0 Comments

Weights Room


Sa ating paglisan,
Ating balikan
Ang labing-apat na tambayan
Sa ating minamahal na paaralan

****

“Ang weight training equipment sa silid na ito ay taos-pusong handog ng UPHS Batch ‘69 sa UPIS para sa pangkalahatang kalusugan at ikahuhusay ng mga manlalaro nito sa lahat ng larangang kanilang lalahukan.”

Marahil ay wala namang masyadong nakapapansin nitong paskil na ito, lalo na kung hindi ka nagagawi sa kuwartong ito, o kung hindi ka varsity ng paaralan. Ngunit para sa mga manlalaro ng paaralan, malaki ang naging parte ng silid na ito sa paghubog sa kanila. Dito sila nag-ensayo at nagpalakas. Sa bawat patak ng kanilang pawis, lakas at dedikasyon na magtagumpay ang kanilang ibinibigay, hindi lamang para sa kanilang mga sarili, maging para sa paaralan.

Ang silid na ito, mga kagamitan at mga karanasan dito ang mga instrumento sa pagkamit nila ng kanilang mga pangarap at tagumpay. Lumipas man ang maraming panahon, ang lakas, katatatagan at mga alaala ay mananatili sa mga atleta ng UPIS.

You Might Also Like

0 comments: