3-10,

UPIS muling nagsagawa ng earthquake drill

7/28/2012 08:09:00 PM Media Center 0 Comments

Muling nagsagawa ng earthquake drill noong Huwebes, Hulyo 19, sa UPIS 7-10 building. Nilahukan ito ng mga guro at estudyante mula grado 3 hanggang 10.

Ito ay isang proyekto ng Health and PE department na naglalayong maihanda ang mag-aaral, mga guro, at mga staff sa oras ng sakuna at mabawasan ang mga masasaktan sa pagkakataong ito’y magaganap na.
Naging hudyat ng pagsisimula ng drill ang pagtunog ng bell sa ganap na ika-11:20 ng umaga.

Matapos ito, tumungo ang lahat sa soccer field at muling hinintay ang bell na magiging tanda na pagbalik sa kani-kanilang mga silid.

Naging matagumpay ang nasabing drill bunga na rin ng aktibong partisipasyon at pagpapakita ng kaalaman ng mga estudyante at guro. ● nina Shari Oliquino at Nina Leis

You Might Also Like

0 comments: