dara lilang,

UP at UPIS Pep Rally, idinaos

7/28/2012 08:02:00 PM Media Center 0 Comments

Nagtipon-tipon ang mga atleta ng Unibersidad ng Pilipinas upang maki-isa sa Pep Rally na isinagawa sa UP Film institute noong Hulyo 9, 2012 sa ganap na ika-7 ng gabi.

Bilang panimula, nagbigay ng mensahe para sa mga atleta si Prof. Ariel Juilano, Athletic Director ng UP College of Human Kinetics (UP CHK).

Isa-isang ipinakilala ang mga sports teams ng UP at nagkaroon din ng mga pampasiglang bilang mula sa UP Filipiniana Dance Troupe, UP Dance Port Society at UP Streetdance Club.

Nagpakita ng isang Audio-visual Presentation kung saan ipinakita ang pagtatagumpay ng bawat team sa nakaraang taon. Hinikayat din ang lahat na suportahan ang mga varsity team ng UP sa darating na ika-75 season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Samantala, nagdaos rin ng Pep Rally ang University of the Philippines Integrated School (UPIS) noong Hulyo 10, 2012 sa Multi-purpose Hall bilang paghahanda rin sa nalalapit na UAAP season.

Nagsimula ang parada ng mga atleta sa ganap na ika-12 ng tanghali.

Dumalo sina Dr. Ronaldo San Jose, Prinsipal ng UPIS, Prof. Amihan Ramolete, Pangulo ng PTA at Prof. Juliano. Nagbigay sila ng kani-kanilang mensahe para sa mga atleta ng paaralan.

Isa-isa ring ipinakilala ang mga sports teams ng UPIS at nagpakita rin ng audio-visual presentation.

Bilang pagtatapos, nagbigay si Prof. Paul Mabaquiao, Puno ng Departamento ng Health at P.E., ng isang mensahe para sa mga atleta.

Inimbitahan din niya ang lahat na suportahan ang sports teams ng UPIS sa darating na UAAP Season 75. ● nina Dara Lilang at Trizia Badong

You Might Also Like

0 comments: