dara lilang,

General PTA Assembly, idinaos

7/18/2012 08:02:00 PM Media Center 2 Comments

Nagtipon-tipon ang mga magulang at guro sa PTA
General Assembly noong Hunyo 23. (c) Aliyah Rojo
Ginanap ang General Parents-Teachers Association Assembly noong Hunyo 23, 2012, sa ganap na ika-1 ng hapon sa Multipurpose Hall ng UP Integrated School.

Bilang panimula, ipinakilala ni Dr. Ronaldo San Jose ang mga miyembro ng administrasyon ng UPIS na sina Prof. Nancy Flor bilang Assistant Principal for Administration, Prof. Roselle Velasquez bilang Assistant Principal for Academic Programs at ang mga puno ng bawat departamento.

Ipinakilala rin ang mga bumubuo sa PTA Board para sa akademikong taong ito (2012 – 2013) na pinangungunahan ni Prof. Amihan Ramolete bilang Pangulo; Dr. San Jose, bilang Pangalawang Pangulo at labing-isa pang mga grade level PTA presidents.

Matapos ang maikling programa at presentasyon ng ulat pampinansyal ng nakaraang pamunuan, nagkaroon ng maikling forum sa nabanggit na okasyon.

Ilan sa mga naitanong ng mga magulang ay ang pagbabalik ng 4-day schedule, pagsusuot ng PE uniform sa klase, atbp. ● by Miguel Flores & Dara Lilang

You Might Also Like

2 comments:

  1. Hello! **Ramolete po. Hindi Ramoleta. Okay! :)

    ReplyDelete
  2. Corrected na po. Thank you for bringing it to our attention.

    ReplyDelete